top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Illegal gambling parang kabute na nagsulputan, 'anyare?!

Writer: BULGAR
BULGAR
May 15, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | May 15, 2023


BUTI PA SI NCRPO GEN. OKUBO, MAY AKSYON VS. ILLEGAL GAMBLING, SINA REGION 4-A GEN. GACES AT CORDILLERA GEN. PEREDO, ‘NGANGA’—Noong Mayo 11, 2023, ipina-raid ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director, Gen. Edgar Okubo ang drop balls at color games sa Commonwealth, Quezon City.


Buti pa si NCRPO Gen. Okubo, may aksyon laban sa illegal gambling, pero sina PNP-Region 4-A Director, Gen. Carlito Gaces at PNP-Cordillera Director, Gen. David Peredo ay ‘nganga’ lang sa mga drop balls at color games na nag-o-operate sa kanilang mga nasasakupan.


Ang tagal na kasing nag-o-operate ng raket na drop balls at color games nina ‘Aling Tessie,’ ‘Baby Panganiban’ at ‘Troy’ sa Lipa City, Tanauan City sa Batangas; Cabuyao City, Sta. Rosa City, Calamba City, sa Laguna, pero nganga lang si Region 4-A Gen. Gaces. Sa Baguio City naman, nganga rin si Cordillera Gen. Peredo sa ganitong uri ng raket nina ‘Edna’ at ‘Jimmy’ at ‘Nestor’ sa Magsaysay Road at Kayang Hill Top, at mini-casino ni ‘Patrick’ sa Legarda Road at Bokawkan Road, tsk!


◘◘◘


BAKIT ‘NGANGA’ SI GAB CHAIRMAN RICHARD CLARIN SA SANDAMAKMAK NA DROP BALLS AT COLOR GAMES?—Isa si Games and Amusement Board (GAB) Chairman Richard Clarin sa mga opisyal ng pamahalaan na dapat umaksyon laban sa patuloy na pagdami ng mga drop balls at color games sa bansa.


Ang nakakapagtaka lang, bakit tulad ng ilang opisyal ng PNP ay nganga rin si GAB Chairman Clarin sa raket na drop balls at color games ng mga ilegalista? Tsk!


◘◘◘


ALYAS ‘BILLY JOE’, NAGBIGAY NG GO SIGNAL SA MGA GAMBLING LORDS NA MANRAKET SA CAVITE, LAGUNA, BATANGAS AT RIZAL—Hindi lang drop balls at color games ang raket na namamayagpag ngayon sa jurisdiction ni PNP-Region 4-A chief, Gen. Gaces dahil ngayon ay nagbalik daw ang operasyon ng perya ng bayan-con jueteng nina ‘John Yap’ at ‘Reden’ sa Cavite at Rizal; STL (Small Town Lottery)-con jueteng nina ‘Ibora,’ ‘Toce’ at ‘Alvarez’ sa Laguna, at ‘Reyes’ at ‘Biskotso’ sa Batangas.


Kaya parang kabute na nagsulputan na naman ang raket ng mga ilegalista sa Region 4-A ay dahil isang alyas ‘Billy Joe’ umano ang nagbigay ng go signal sa mga gambling lords na mag-operate ulit ng kanilang mga pasugalan para manraket sa mga residente ng Cavite, Rizal, Laguna at Batangas, buset!


◘◘◘


BAKIT WALANG DIREKTIBA SINA GEN. GACES AT GEN. PEREDO LABAN SA MGA ILEGALISTA?—Sa totoo lang, madali namang mapatigil ang raket ng mga ilegalista sa Region 4-A at Cordillera kung gugustuhin nina Gen. Gaces at Gen. Peredo.


Utusan lang ni Gen. Gaces sina Regional Intelligence Division (RID) chief, Col. Melvin Montante, Cavite PD Col. Christopher Olazo, Laguna PD Col. Randy Silvio, Batangas PD Col. Pedro Soliba, at Rizal PD Col. Dominic Baccay, gayundin, utusan din ni Gen. Peredo ang tauhan niyang si Baguio City chief of police Col. Glenn Lonogan na ipa-stop ang raket ng mga ilegalista, tiyak titigil ang mga illegal gambling sa kanilang nasasakupan.


Kaya ang tanong, bakit walang direktiba sina Gen. Gaces at Gen. Peredo sa kanilang mga tauhan na ‘itokhang’ ang mga manraraket sa kanilang mga jurisdiction? Period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page