Iligan City Mayor Josemarie Diaz at pamilya nito, positive sa COVID-19
- BULGAR

- Aug 7, 2020
- 1 min read
ni Thea Janica Teh | August 7, 2020

Inanunsiyo ngayong araw ni Iligan City Mayor Josemarie Diaz na nagpositibo siya sa COVID-19. Bukod pa rito, positibo rin ang kaniyang asawa at anak sa COVID-19.
Sinigurado naman ni Mayor Diaz na nasa mabuti silang kalagayan at malakas ang kanilang pangangatawan upang malabanan ang virus. Sinisigurado rin nito na sa kabila ng nangyaring ito ay patuloy pa rin siyang susubaybay sa lahat ng aksiyon ng lungsod upang maiwasan ang pagkalat ng virus.
Kaya naman, Inaanyayahan nito ang lahat na sumunod sa lahat ng health protocol upang maiwasan ang pagkalat ng virus sa ating pamilya.





Comments