Ilegal na katayan ng manok, buking
- BULGAR

- Jul 13
- 1 min read
ni Benjamin Chaves @News | July 13, 2026

Photo: File
Sinalakay ng mga operatiba ng NBI Laguna District Office at National Meat Inspection Service (NMIS) ang tatlong umano'y ilegal na katayan ng manok sa Santa Rosa City, Laguna.
Ito ay matapos na makatanggap ng ulat mula sa concerned citizen na nag-o-operate umano ito nang walang permit.
Natuklasan din ang iba't ibang paglabag sa sanitation standards. Umabot sa 2.5 toneladang dressed chicken na tinatayang P500,000 ang kinumpiska at agad na isinailalim sa condemnation upang hindi na maibenta.





Comments