top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Ilang scientist, umapela sa COVID-19 vaccine na gawang Russia

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 12, 2020
  • 1 min read

ni Thea Janica Teh | August 12, 2020




Sinabi ng Russia na magiging ready na ang unang batch ng COVID-19 vaccine sa loob ng dalawang linggo ngunit sa ibang medic, ito ay ni-reject dahil sa walang batayang safety concern mula sa ilang expert sa rapid approval ng Moscow sa gamot.

Ayon kay President Vladimir Putin, ang Russia ang kauna-unahang nakagawa ng COVID-19 vaccine sa buong mundo matapos lamang ang dalawang buwang human testing.

Hindi pa umano natatapos sa final trial ang vaccine. 10% pa lamang ang naging matagumpay sa clinical trial at kinatatakot ng ilang scientist na mas pinahalagahan ng Moscow na makilala ang kanilang bansa bago ang kaligtasan nito.

It seems our foreign colleagues are sensing the specific competitive advantages of the Russian drug and are trying to express opinions that in our opinion are completely groundless,” sabi ni Health Minister Mikhail Murashko.

Handa na umanong magmit ang vaccine na nagawa ng Gamaleya Institute ng Moscow para sa mga tao, kasama na ang mga doktor at volunteer.

Ayon naman sa Director ng Gamaleya Institute na si Alexander Gintsburg, maisasagawa na nila ang clinical trial matapos ma-assess ng mga eksperto ng Russia.

Pinaplano ng Russia na makagawa ng halos 5 milyong vaccine sa buwan ng Disyembre hanggang Enero.

Samantala, nagpaplano naman ang Kazhakstan na pumunta ng government official sa Moscow bago matapos ang buwan ng Agosto para sa posibilidad na pag-deliver ng vaccine.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page