top of page
Search
  • BULGAR

Ilang paalala sa mga bibiyahe pa-probinsiya ngayong holiday season

ni Jasmin Joy Evangelista | December 5, 2021



Mayroong paalala ang direktor ng Nagkakaisang Samahan ng Nangangasiwa sa Panlalawigang Bus sa Pilipinas Inc. na si Alex Yague sa mga bibiyahe pa-probinsiya ngayong holiday season.


Aniya, dapat siguruhing naka-book na ng ticket 48 oras bago ang schedule na biyahe. 


50% ang kapasidad ng mga provincial bus na may malalayong biyahe at kung galing naman sa Metro Manila at pupunta sa mga probinsiyang karatig-lugar lang nito ay 70% ang kapasidad, depende sa requirement ng lokal na pamahalaan. 


Walang stopover at "point-to-point' ang biyahe, kahit sa mga malalayong lugar tulad ng Baguio City. 


“Ibig-sabihin kailangan bago bumiyahe 2 days before naka-book ka na at ang biyahe ay terminal to terminal lamang. Kung manggagaling ka ng Baguio for example, ang baba mo ay Maynila lamang. So di ka puwedeng bumaba along the way," ani Yague. 


Mayroon ding ilang LGU na may karagdagang requirement sa pagpasok sa kanilang lugar kaya mahalaga rin na alamin muna ang mga ito.


Samantala, wala pang pagtaas ng pasahe na naitatala ngayong papalapit na ang kapaskuhan.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page