Pangilinan, pinaiimbestigahan ang mababang presyo ng baboy at manok

by BRT @News | October 9, 2026

Photo: Kiko Pangilinan / Senate PH / FP
Bumaba ng 27 porsiyento ang mga kaso ng dengue sa bansa ngayong taon kumpara sa kaparehong panahon noong 2025, ayon sa Department of Health (DOH).
Batay sa pinakahuling datos ng DOH, umabot sa 180,770 ang naitalang kaso hanggang Setyembre 30, mas mababa sa 246,082 noong nakaraang taon.
Gayunman, patuloy na dumarami ang mga kaso nitong mga nakaraang linggo, kasabay ng tag-ulan.
Nakapagtala ang DOH ng 21,768 kaso mula Setyembre 3 hanggang 16, mas mataas nang tatlong porsiyento kumpara sa 21,158 kaso noong Agosto 20 hanggang Setyembre 2.
Ayon sa ahensya, nananatili namang mas mababa sa alert at epidemic threshold ang mga kaso mula pa sa simula ng taon.





Comments