Ilang lugar sa Ilocos region, itinaas sa Signal no. 1 dahil sa Bagyong Ferdie
- BULGAR

- Aug 10, 2020
- 1 min read
ni Thea Janica Teh | August 10, 2020

Itinaas sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 ang ilang lugar sa western portion ng Ilocos Norte at Ilocos Sur ngayong Lunes dahil sa bagyong Ferdie, ayon sa PAGASA.
Ilan sa mga ito ang bayan ng Badoc, Pinili, Currimao, Batac City, Paoay, San Nicolas, Laoag City, Pasuquin, Bacarra at Burgos sa Ilocos Norte at Magsingal, Santo Domingo, San Ildefonso, San Vicente, San Juan, Cabugao, Sinait, Santa Catalina sa Ilocos Sur.
Makakaranas ang mga nasabing lugar ng 30-60 km/hr wind sa loob ng 36 oras.
Samantala, patuloy na nagdadala ng ulan ang Habagat sa Luzon. Ilang parte ng apektado rito ang Ilocos Region, Abra, Benguet, Zambales, Bataan, Batanes, Cagayan, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Cordillera at Central Luzon.
Kaninang 4 am namataan ang bagyong Ferdie sa 210 km west northwest ng Sinait Ilocos Sur o 210 km west ng Laoag City, Ilocos Norte.
Inaasahan na lalabas ito ng PAR ngayong Lunes at magkakaroon ng landfall sa Fujian Province sa China ng Martes.





Comments