Search
  • BULGAR

Apela ng ilang UV Express group, balik-pasada ng 980 unit, 'di sapat

ni Thea Janica Teh | June 28, 2020




Umaapela ang ilang grupo ng UV Express sa gobyerno na dagdagan pa ang bilang ng mga unit na babalik-pasada simula bukas. Pahayag ng mga ito, hindi sapat ang 980 unit para isakay ang halos libu-libong pasahero mula sa Metro Manila at kalapit na probinsiya.


Sa isang pahayag, sinabi ni CODE-X chief Rosalino Marable na 10,000 pasahero lamang ang kayang isakay ng 980 UV Express unit, samantala, ang 290,000 pasahero ay naghahanap ng ibang public transportation. Halos 300,000 ang pasahero ng UV Express Sector kada araw.


Para sa kanila, unfair at unjust ang ipinatupad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).


Sinabi rin nito na willing silang sundin ang health protocols na kakailanganin at willing silang tanggalin ang “jump seat” para maiwasan ang dami ng nakasakay sa loob mula 18, bababa sa 9.


Maglalagay din ang mga driver ng protective plastic barrier, thermal scanner, alcohol, face mask at forms para sa tracking ng bawat pasahero.


Bukod pa rito, ang pagpapatupad ng number coding scheme ay makatutulong sa mga driver upang matustusan ang pangangailan ng kanilang pamilya.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.