Ilang bayan sa Antipolo City, sasailalim sa lockdown
- BULGAR

- Jul 16, 2020
- 1 min read
ni Thea Janica Teh - | July 16, 2020

Isasailalim sa one-week lockdown ang anim na bayan mula sa Antipolo City, Rizal dahil sa patuloy na pagkalat ng COVID-19.
Ito ang mga lugar na inanunsiyo ni Mayor Andeng Ynares na sasailalim sa lockdown mula July 18 hanggang 24.
Phase 2, COGEO Village, Bgy. Bagong Nayon
Upper Sto. Niño, Bgy. Sta. Cruz
Lower Ruhat III, Bgy. Mambugan
Phase 2, Sta. Elena Subd., Bgy. San Jose
Phase 2, Peace Village, Bgy. San Luis
College View Park HOAI, Purok 4, Zone 8, Bgy. Cupang
Ayon kay Ynares, pinayagan ng IATF ang pagsasailalim ng mga ito sa lockdown dahil dumoble ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 rito at patuloy ang local transmission.
Ang mga frontliner na nakapailalim sa Authorized Persons Outside of Residence list at iba pang medical emergencies lamang ang papayagang lumabas sa araw na ‘yun.
Papayagan ding makalabas-pasok ang mga residenteng nagtatrabaho, magpapakita lamang sila ng company ID sa ma checkpoint.
Samantala, papayagan ding lumabas ang mga residenteng may quarantine pass para bumili ng pagkain.
Sa ngayon, mayroon ng 440 kumpirmadong kaso sa Antipolo City a 182 rito ay active case. Nakapagtala rin ang lungsod ng 42 death at 216 recovieries.





Comments