top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Ikatlong bf, makakatuluyan ng single mom na insecure sa katawan

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 23, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | December 23, 2021






KATANUNGAN

  1. Ako ay single mom at bagama’t may live-in partner ako ngayon at magta-tatlong buwan na kami, parang nagbago na siya. Sa pagkakaalam ko, nakita niya ang mga stretch marks sa aking puson dahil sa pagbubuntis ko sa aking unang baby kaya para siyang nawalan ng gana sa aming relasyon. Noon niya pa kasi madalas sabihin na, “Ang sagwa naman ng stretch mark mo, nakaka-turn-off,” kaya sa palagay ko, ito ang dahilan kaya unti-unti na siyang nagbabago.

  2. Sa ngayon, madalang na siyang umuwi at sa palagay ko ay balik-buhay binata na naman siya. Hindi pa kami nag-uusap, pero natatakot ako na sa kanya manggaling na maghihiwalay na kami.

  3. Ano ang dapat kong gawin para mawala ang mga kamot o stretch mark sa aking puson? Siya na ba o may darating pang ibang lalaki sa akin na makakasama ko o mananatili na lang akong single mom habambuhay?

KASAGUTAN

  1. Kung stretch mark at idagdag pa nating pumangit ang iyong puson at maraming bilbil, ang naging dahilan kung bakit tinabangan sa iyo ang iyong live-in partner, masasabing ang babaw ng dahilan niya o maaaring kaya nangyari ‘yun ay dahil hindi ka niya talaga mahal. Tama ka, kausapin mo muna siya nang masinsinan kung bakit siya nanlamig sa inyong relasyon upang malaman mo ang tunay na dahilan. Pero kung stretch mark nga talaga ang dahilan kaya ayaw na niya sa iyo, puwede ka namang kumonsulta sa dermatologist upang mawala o masolusyunan ang iyong mga kamot sa puson.

  2. Samantala, kung ang guhit naman ng palad mo ang pagbabasehan, kapansin-pansin ang tatlong Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M, 2-M at 3-M arrow a., b. at c.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na tatlong pag-ibig o tatlong mahahalagang pakikipagrelasyon ang darating sa iyong buhay, at dahil mahaba at makapal ang ikatlong Marriage Line (3-M arrow c.), ibig sabihin, ang ikatlong lalaki na magmamahal sa iyo nang tunay — may stretch marks ka man o wala — na siya na ring makakasama mo habambuhay.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Isang katotohanang hindi mapapasubalian na ang pisikal na ganda ay sadyang lumilipas, gayundin ang hubog ng katawan, kinis ng balat at lambot ng balakang. Halimbawa na lang ang mga crush ko noong high school tulad nina Maricel, Sheila, Verna, Lorie at marami pang iba na saksakan ng ganda noon at pang-Miss Universe ang dating, ang papangit na ngayon, ‘yun pa kayang dating sexy na nagbuntis ang hindi pumangit ang pangangatawan kapag marami na ang naging anak.

  2. Samakatuwid, kung talagang tunay na pag-ibig ang pag-uusapan, dapat walang gaanong kaugnayan ang pisikal na kaanyuan upang ang relasyon ng mag-asawa ay maging maligaya at manatiling panghabambuhay. Ayon nga kay Euripides, isang ancient Greek philosopher, “He is not a lover who does not love forever.”

  3. Habang, ayon sa iyong mga datos, Mikaya, tiyak ang magaganap — sinumang lalaking itinala bilang ikatlong karelasyon o tunay na pag-ibig mo, siya ang nakatakda mong makasama habambuhay, na nakatakdang dumating sa taong 2023, sa edad mong 34 pataas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page