top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Ikalawang pag-a-abroad at negosyong bigasan, magpapayaman sa bebot na ex-ofw

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 19, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | December 19, 2021






KATANUNGAN

  1. Sa kasalukuyan, may aplikasyon ako sa abroad bilang domestic helper. Gusto kong malaman, Maestro, kung matutuloy ba ako? Actually, noon pa ako dapat nakaalis, kaya lang, nagkaproblema dahil sa pandemya at kung sakaling ako ay matuloy, magkakaroon ba ako ng magandang kapalaran doon?

  2. Bale pangalawang pag-a-abroad ko ito kung matutuloy ako, kaya lang, hindi naman ako pinalad noong una. Nakatapos naman ako ng kontrata, pero dahil sa sobrang liit ng suweldo, pagkauwi ko ay naibayad ko sa mga utang ang kaunting perang naipon ko at ngayon ay walang-wala ako.

  3. Sa palagay n’yo, Maestro, may pag-asa pa ba kaming umasenso at makaipon ng puhunan para sa binabalak kong negosyong bigasan sa palengke kung sakaling makakaipon ako? Gayundin, susuwertehin ba ako sa ganu’ng negosyo?

KASAGUTAN

  1. Sadyang maikli o hindi gaanong mahaba ang unang Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.), ngunit sadya namang mahaba at malawak ang ikalawang nasabing guhit ng paglalakbay (t-t arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Tanda na sa ikalawang paningibang-bansa, tiyak ang magaganap, magiging maganda na ang kalagayan mo sa bansang iyong pupuntahan hanggang sa makaipon ka ng malaking halaga. Ang pag-aanalisang magagawa mo ito sa ikalawang pag-a-abroad ay madali namang kinumpirma ng gumanda at naayos mo ring lagda mula sa gitna hanggang sa dulong bahagi.

  3. Ibig sabihin, habang ikaw ay nagkakaedad, unti-unti ka na ring natututo kung paano mamahalin at iingatan ang bawat sentimo na iyong kinikita. Sa nasabing pag-uugali, ‘pag naging masinop at mapagmahal ka sa salapi, tulad ng iyong inaasahan, mas madali kang makakaipon ng maraming pera na magiging sapat na puhunan sa binalak mong negosyo.

  4. Ang pag-aanalisa namang may potensyal ka sa pangangalakal o negosyo ay madali namang kinumpirma ng malinaw na Business Line (Drawing A. at B. B-B arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad, na sinuportahan din ng destiny number mong 8. Ibig sabihin, matapos kang makaranas ng maraming tiisin at paghihirap sa buhay, sa bandang huli, sa edad mong 41 pataas, unti-unti ka na ring aasenso at uunlad hanggang sa tuluyan nang makaahon sa kahirapan.

DAPAT GAWIN

Marianne, ayon sa iyong mga datos, mapalad ka sa binabalak mong negosyong bigasan sa palengke, ngunit higit kang susuwertehin kung makakahanap ka ng tindera na isinilang sa petsang 5, 14, 23, 89, 17, 27, 7, 16, 25, 2, 11, 20 at 29, lalo pang magbibigay sa iyo ng suwerte at magandang kapalaran. At pagsapit ng taong 2032, sa edad mong 44 pataas, tulad ng nasabi na, lalakas ang iyong negosyo sa palengke hanggang ang inyong pamilya ay makaahon sa kahirapan at tuloy-tuloy na ring umunlad at yumaman.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page