top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Ihahatid din para nakauwi sa probinsya… P10-K pamasko ng DSWD sa mga katutubong namamalimos

  • BULGAR
  • Nov 23, 2022
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | November 23, 2022


PUWEDE PALANG MAMIGAY NG P10-K PAMASKO ANG DSWD—Pabibigyan ni DSWD Sec. Erwin Tulfo ng P10-K ang bawat pamilyang katutubo na namamalimos ng Pamasko sa lansangan at ihahatid ang mga ito sa probinsya.


Puwede naman palang bigyan ng P10-K ang mga pamilyang katutubo, pero hindi ito ginawa ng mga nakaraang DSWD sec. at hinayaan lang magmukhang kaawa-awa habang namamalimos ang mga kababayan nating katutubo.


◘◘◘


KUNG NI-REJECT ANG CONFIDENTIAL FUNDS, HINDI NA KAILANGAN ANG SENATE OVERSIGHT COMMITTEE FOR CONFIDENTIAL FUNDS—Pinutakti ng batikos sa social media ang mga senador na nag-aprub na mabigyan ng P500 million confidential fund si Vice-Pres. Sara Duterte-Carpio at bilang pang-damage control sa Senado, sinabi ni Senate President Migz Zubiri na bumuo sila ng panel, na kung tawagin ay Senate Oversight Committee for Confidential and Intelligence Funds para matiyak na magagamit sa tama ang pondo.


Sa totoo lang, pang-uunggoy lang sa taumbayan ang Senate Oversight Committee for Confidential and Intelligence Funds kasi mantakin n'yo, silang majority senators ang nag-aprub na bigyan ng confidential funds ang mga kapwa nila trapo, tapos sila rin ang susuri kung nagagamit ito sa tama o mali?


Kung totoong may malasakit sila sa kaban ng bayan, dapat ni-reject na nila ang confidential funds.


◘◘◘


DOLYAR NG OFWs KAPAG DUMATING SA 'PINAS, MISTULANG BARYA NA LANG SA TAAS NG PRESYO NG MGA BILIHIN AT BAYARIN—Mas gusto ng mga OFWs na mababa ang halaga ng dolyar basta mababa rin ang presyo ng mga bilihin at bayarin sa Pilipinas.


Sa ngayon, mataas ang halaga ng dolyar na kinikita ng mga OFWs, pero kapag ang dolyar ay ipinadala na sa Pilipinas at ipinalit sa peso ay mistulan itong barya, ang daling maubos dahil sa taas ng presyo ng mga bilihin at bayarin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page