Idinawit sa flood scam... Tulfo, magre-resign ‘pag may ebidensya
- BULGAR

- Jul 8
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | July 8, 2026

Photo: Senate PH
Handa umanong magbitiw si Sen. Erwin Tulfo sa kanyang puwesto sakaling makapagpakita ng katibayan na nakinabang sa flood control scandal.
“I will resign if anyone can present proof that I received money from flood control,” hamon ni Tulfo sa kanyang mga kritiko sa pagdalo sa buwanang “MACHRA Balitaan” sa Harbor View Restaurant sa Ermita, Maynila.
“Paano ako masasama dun (flood control anomalies) eh wala naman ako sa flood control. Eto, diretsahan tayo. ‘Pag may nakita ho kayong pangalan ko sa DPWH o sa listahan ni Cabral na sinasabi ni Congressman Leviste na tumanggap sa flood control, I will resign.
Bitbitin n'yo po sa Senado ang dokumento na sinasabing may allocation kay Senator Erwin Tulfo, na may sabit sa flood control at magre-resign ako immediately,” punto pa ng senador.
Ginawa ni Tulfo ang reaksyon sa gitna ng alegasyon ng 18 bodyguard ni Partylist Cong. Zaldy Co na nabigyan ng maletang pera.





Comments