top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Ideya ng mga kritiko para matugunan ang pandemya, welcome sa Palasyo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 30, 2020
  • 2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | July 30, 2020



Nakulangan at nadismaya ang ilang mambabatas sa inilatag na plano ni Pangulong Rodrigo Duterte para matugunan ang COVID-19 pandemic.


Sa kanyang ika-limang State of the Nation Address (SONA), hindi umano idinetalye ng pangulo kung paano sosolusyunan ng Pilipinas ang pandemya.


Kaugnay nito, hinimok ng Palasyo ang mga taga-oposisyon at iba pang kritiko ni Pangulong Duterte na magsumite ng mga ideya para matugunan ang problema sa COVID-19.


Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sa halip na tumulong, puro puna lang ang ginagawa ng mga kritiko. Kaya kung may magandang ideya ang mga ito, makabubuti umanong ilahad na para maikonsidera ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.


Siguro nga, panahon na para pakinggan ang isa’t isa.


Hirit ng iba, dapat noon pa hiningi ang opinyon ng publiko, lalo na ng mga eksperto.

Ang hirap kasi sa atin, ang daming lider, ang daming nagsasalita, pero ang totoong kailangan natin ay mapagkakatiwalaang namumuno, na walang iba kundi ang Department of Health (DOH).


Simulan nating hingin ang rekomendasyon ng mga eksperto. Hayaang gamitin ang siyensiya bilang basehan ng mga susunod na hakbang.


Rebyuhin ang mga aksiyon na ginagawa ng mga lokal na pamahalaan. Silipin at pag-aralan kung puwedeng gayahin ng ibang lungsod o lalawigan ang kanilang hakbang para sa ikabubuti ng nasasakupan.


Sabi nga, wala naman tayo sa iskul kaya puwede ang kopyahan kung epektibo naman ang paraan.


Ilang buwan na tayong lumalaban sa pandemya, pero ‘ika nga ng iba, tila walang nangyayaring maganda.


Isa lang naman ang gusto ng publiko—kongkretong solusyon at hindi eksperimento.

Marahil ang iba ay nawalan na ng tiwala sa gobyerno.


‘Wag tayong maghintay lang ng bakuna o gamot vs. COVID-19. Seryosohin at magsikap tayo para matugunan ang problema natin.


Higit sa lahat, maging tapat tayo sa mga datos na inilalabas para pagkatiwalaan ng publiko.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page