top of page

Ibubuhos lahat ng Gilas ang makakaya sa FIBA Cup

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 10, 2023
  • 2 min read

ni VA @Sports | August 10, 2023


ree

Ibuhos lahat ng kanilang makakaya sa bawat laro kung iniisip nilang manalo sa darating na FIBA World Cup.


Ito ang sinabi ni Gilas Pilipinas headcoach Chot Reyes sa kanyang mga players matapos ang sinalihan nilang pocket tournament sa China.


Tinapos ng Gilas ang torneo sa pamamagitan ng dalawang sunod na panalo kontra Senegal at Iran para sa rekord na 3-1.

Nasabi ni Reyes ang naturang bagay makaraang muntik pa silang matalo ng koponan ng Iran sa huli nilang laban.


Sa video na ipinost sa Samahang Basketball ng Pilipinas Facebook page, ipinaliwanag ni Reyes sa Gilas na hangga't maaari ay sisikapin nilang malimitahan ang kanilang mga pagkakamali lalo pa't mga world class teams ang kanilang sasagupain gaya ng Dominican Republic. "(Our) margins for error is very small, so when you get in there, every second you play on the floor counts. That's the way it is, we really have to be on point every single moment," ani Reyes.

Ayon pa sa Gilas mentor, kahit mismong ang tinatawag nilang A-game ang kanilang ipakita ay posibleng kulang pa para matalon ang isang malakas na team na kaparis ng Dominican Republic na pinangungunahan ng kanilang NBA star na si Karl-Anthony Towns ng Minnesota Timberwolves. "You need to give yourselves a chance to play at a very high level," wika pa ni Reyes. "That's what we're practicing for, trying to practice that idea that very possession counts. That's what coach is trying to get in to you guys," ani Cone.

Magkasunod na dumating sa bansa noong Martes ang Gilas galing China at si Jordan Clarkson buhat sa US. Nagbalik ensayo sila kahapon kasama na si Clarkson na may mahigit dalawang linggo pa upang ganap na makapag-blend ng husto sa team bago ang simula ng World Cup sa Agosto 25.


Unang makakatunggali ng Gilas sa FIBA World Cup ang Dominican Republic sa Agosto 25 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan. Ang dalawa pa nilang mga kalaban sa group stage ay ang Angola at Italy na parehas namang gaganapin sa Araneta Coliseum.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page