Ibinibida ng gobyerno na bumubuti ang buhay ng Pinoy, fake news!!!
- BULGAR
- May 24, 2023
- 2 min read
ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | May 24, 2023
PAG-ABSUWELTO NG SANDIGANBAYAN SA MGA KASONG GRAFT NI NAPOLES, BAD NEWS SA MAMAMAYAN—Inabsuwelto ng Sandiganbayan sa mga kasong graft si pork barrel queen Janet Napoles.
Bad news ‘yan para sa mamamayan, at kapag naabsuwelto rin si Napoles sa mga natitira pang kasong malversation of public funds at plunder, tiyak na ang pork barrel queen na ito na nagkamal ng bilyun-bilyong piso sa kaban ng bayan ay makakalaya na, tsk!
◘◘◘
PAGBUTI NG PAMUMUHAY NG MGA PINOY, FAKE NEWS!—Matapos tumaas ang singil sa kuryente at tubig, magtataas din ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG), kahapon ay muling tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo.
Ang mga isyung ‘yan ay pahirap sa mamamayan, kaya ‘yung ibinibida ng gobyerno na bumubuti na ang pamumuhay ng mga Pinoy dahil lumalago na raw ang ekonomiya, fake news ‘yun, period!
◘◘◘
KAPAG NAGKAROON NG PLANTA NUCLEAR SA ‘PINAS TAPOS NATULAD ITO SA POST OFFICE NA NASUNOG, DISGRASYA ANG AABUTIN NG MGA PINOY—Tinupok ng apoy ang buong Manila Central Post Office sa Lawton, Manila.
Dahil sa pangyayaring ‘yan, dapat huwag nang pangarapin ng Marcos admin na magtayo ng Nuclear Power Plant sa Pilipinas. Kung ang post office ay hindi na-maintain nang maayos ng gobyerno kaya tinupok ng apoy, paano kung naitayo na ang planta nukleyar at dahil sa kapabayaan ay ito naman ang masunog? Naku po, kapag nangyari ‘yan, malaking trahedya at siguradong maraming tao ang mapipinsala dahil diyan, tsk!
◘◘◘
DICT DAPAT ANG BIGYAN NG CONFIDENTIAL FUND, HINDI ANG OVP AT DEPED—Humihingi ng confidential at intelligence funds ang Department of Information and Communication (DICT) para sa cybersecurity para tukuyin at madaling madakip ang mga scammer sa social media at cellphone.
Sa totoo lang, DICT ang dapat na binibigyan ng confidential at intelligence funds at hindi ang Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) na pinamumunuan ni Vice Pres. Sara Duterte-Carpio.
Kaya sana, sa next budget deliberation para sa 2024 national budget, tanggalin na ang confidential fund ni VP/DepEd Sec. Sara at DICT naman ang bigyan ng confidential at intelligence funds, period!





Comments