top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Ibasura ang pag-decriminalize sa mga adik

BULGAR
Nov 26, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | November 26, 2022


DAPAT PAKINGGAN NG DBM ANG HILING NA DAGDAG-SUWELDO—Hiniling ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (COURAGE) at Kawani Laban sa Kontraktuwalisasyon (KALAKON) sa Department of Budget and Management, na gawing P33-K hanggang P36-K ang buwanang suweldo ng mga kawani ng pamahalaan dahil sa taas-presyo ng mga bilihin at bayarin ay hindi sapat ang monthly salary na P12-K hanggang P21-K ng mga empleyado ng gobyerno na nasa salary Grade 1 to salary Grade 10.


Sana ay pakinggan ng DBM ang hiling na ‘to. Plis lang!


◘◘◘


TULOY ANG BATIKOS NG NETIZENS SA MGA SENADOR NA NAG-APRUB NG P500-M CONFIDENTIAL FUND KAY VP SARA—Hanggang ngayon ay pinuputakti ng batikos ng netizens sa social media ang mga majority senators na nag-aprub na mabigyan ng P500 milyong confidential fund si Vice-Pres. Sara Duterte-Carpio kahit hindi law enforcement agency ang tanggapan nitong OVP o Office of the Vice-President.


Sa totoo lang ay mababatikos talaga ang mga senador na miyembro ng mayorya sa Senado kasi nakalulungkot isiping nananawagan sa kanila ang mamamayan na huwag ibigay ang hinihingi ni VP Sara na P500-M confidential fund, eh, ibinigay pa rin.


◘◘◘


IBASURA ANG DECRIMINALIZE SA MGA ADIK—Sa Senate hearing, tinanong ni Sen. Ronald dela Rosa kung maa-afford ng gobyerno ang decriminalization ng illegal drug use at ang tugon ni Sen. Robin Padilla ay “We can always amend the law. Kung hindi maging epektibo, next year ay palitan natin (amyendahan ang batas).”


Hay naku, kapag ang kagustuhan nina Sen. Dela Rosa at Sen. Padilla ay nangyari na i-decriminalization ang illegal drug use, tiyak na maglulundagan sa tuwa ang mga adik kasi kahit lantaran silang gumawa ng kabulastugan, hindi sila puwedeng kasuhan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page