top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Ibang siyudad sa MM, plano na ring magsara ng sementeryo sa undas

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 10, 2020
  • 2 min read

ni Lolet Abania | September 10, 2020





Nakatakdang mag-usap ang Metro Manila mayors sa Linggo, September 13, upang talakayin ang mga panuntunan sa nalalapit na paggunita natin ng Undas ngayong panahon ng COVID pandemic, kabilang dito ang posibleng pagsasara pansamantala ng mga sementeryo.


Ayon kay Parañaque Mayor Edwin Olivarez, chairman ng Metro Manila Council, pag-aaralan nila ang pagkakaroon ng uniform policy na isasagawa para gunitain ang All Souls’ Day at Saints’ Day. "Pag-uusapan namin this coming Sunday, ng Metro Manila Council, kasama sa agenda namin, para magkaroon kami ng uniform, unified na policy sa darating na Todos Los Santos," sabi ni Olivarez.


Una rito, ang Manila at Mandaluyong ay nag-anunsiyo na ng pansamantalang pagsasara ng mga sementeryo sa kanilang lugar sa darating na Undas upang maiwasan ang pagdagsa ng mga tao habang patuloy ang pagkalat ng Coronavirus.


Gayunman, sabi ni Olivarez sariling pagpapasya ito ng local government units sakaling magbigay man sila ng katulad na kautusan. Posibleng magkaroon din ang Parañaque ng parehong panuntunan dahil, ani Olivarez, kinokonsidera na matatagpuan ang pinakamalaking pribadong sementeryo sa kanilang siyudad.


"Ang Parañaque as of now wala pa, kasi hinihintay namin ‘yung pag-uusap ng Metro Manila Council, kasi katulad ng nabanggit ko, ‘yung mga pupunta sa sementeryo sa amin, hindi lang taga-Parañaque lang kundi all over Metro Manila," sabi ni Olivarez.


"Pero ‘yung ginawa ng dalawang LGU (Manila at Mandaluyong), prerogative nila ‘yun," hirit pa niya.


Nag-anunsiyo na rin ang lokal na pamahalaan ng Marikina City ng pagsasara ng mga sementeryo mula October 31 hanggang November 2. Gayundin, sarado ang cemeteries at columbaries sa San Juan mula October 30 hanggang November 3, 2020.


Samantala, nagpahayag ng suporta ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP)-Episcopal Commission on the Clergy at ilang obispo sa gagawing pagsasara ng mga sementeryo sa panahon ng Undas. Ito ang pagtitiyak ng Archdiocese ng Ozamiz na si Archbishop Martin Jumoad, kung saan susunod sila sa rekomendasyon ng IATF sa darating na All Saints at All Souls Days.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page