Ibang contestants, talent na ng programa… GRAND WINNER NG THE CLONES NG EB!, OUT SA X’MAS SHOW
- BULGAR
- 20 hours ago
- 3 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | November 16, 2025

Photo: Jean Jordan Abina - IG
Magkakaroon ng Christmas show ang mga ‘clones’ ng Eat… Bulaga! (EB!).
Kataka-taka lang na marami ang naghahanap at nagtatanong kung bakit wala sa lineup ng mga artists ang grand winner ng contest na si Jean Jordan Abina.
Si Jordan ang ultimate grand winner na gumagaya sa boses ng pamosong si Karen Carpenter na hinangaan nga ng marami dahil sa linis at sobrang lapit ng boses nito sa yumaong music icon.
Marami ang nagpaabot sa atin ng pagtataka kung bakit hindi na nga raw ito napapanood sa EB! gaya ng mga araw-araw na clones na naging bahagi na ng programa.
At ngayon ngang magkakaroon sila ng Christmas show, kapuna-punang wala ito sa poster at dahil inianunsiyo ni Bossing Vic Sotto na under contract na sa kanilang talent center ang ibang clone artists, marami nga ang naghahanap kay Jordan.
May something kaya na nangyari na hindi ipinaalam ng Dabarkads?
BUKOD kay former Sen. Juan Ponce “Manong Johnny” Enrile, isa pang kilalang personalidad na yumao na rin ay ang mahal ng maraming si Tita Rose, Florence Lansang Danon, o mas kilala bilang si Rosa Rosal.
Minsan nang napabalita ang kanyang pagyao last month lamang, pero nito ngang November 15 ay kumpirmadong tuluyan na itong ginupo ng kanyang karamdaman.
Ang amin pong taos-pusong pakikiramay sa mga naiwan ng itinuturing na reyna ng Red Cross, isang batikang humanitarian at magaling ding aktres.
Singer, nang mag-artista sa pelikula…
NONOY, UMAMING SI VILMA ANG FIRST SCREEN KISS NIYA
“SANA nga ay mas mabusisi at maproteksiyunan,” ang lahad ni Nonoy Zuñiga tungkol sa mga kontrata ng mga singers o kahit na sinong artist.
Base raw kasi sa kanyang personal na karanasan at sa hinaba-haba ng naging stay niya sa music industry, hindi raw pala siya personal na nakakakuha ng ‘royalty’ sa ilan niyang mga hit and classic songs gaya ng Never Ever Say Goodbye.
Sa kanyang paliwanag, dati raw kasi ay hindi ito naisasama o napag-uusapan sa mga kontrata dahil ang pagkanta lang ang mas binibigyan nila ng pokus noon.
Kaya nga raw mas masuwerte ang mga singers ngayon dahil sa pag-evolve ng social media, mas nabibigyan na sila ng proteksiyon sa mga kontrata nila.
Subalit nag-agree rin naman ang hitmaker at music icon na unlike before, tila sa number lang daw marami ang mga singers ngayon.
During their time kasi, ang isang gaya niya ay posible at kering magkaroon ng sunud-sunod na hit songs na magiging ‘tatak’ nila sa industry.
“‘Yung mga song na talagang after a decade or so, nand’yan pa rin at kinakanta ng marami,” sey pa nito.
Kaya naman sa darating na December 9, inaasahang muli niyang mapupuno ang Newport Performing Arts Theater para sa repeat ng kanyang Beyond Gold: Songs of a Lifetime concert.
At 71, umaasa si Nonoy na maka-relate pa rin sa mga younger audiences na kilala pa rin ang mga songs niya gaya ng Doon Lang, Kumusta Ka, Live for Love, Love Without Time, Init sa Magdamag at marami pang ibang classic na rin.
Sasamahan siya on Dec. 9 nina Pops Fernandez, Nina, Dulce, Rey Valera, Marco Sison at Lani Misalucha, with new artists Isha Ponti at Andrea Gutierrez.
Ay may trivia pala si Nonoy na nai-share during the presscon ng kanyang repeat concert.
Ang Star for All Seasons na si Vilma Santos pala raw ang first screen kiss niya sa movie na Never Ever Say Goodbye (1982).
“Hindi ko talaga alam kung ano ‘yung screen kiss. Pero sobrang proud ako na isang Vilma Santos ang nag-guide sa akin at nagbigay-kumpiyansa sa pagiging leading man at aktor ko kahit sandali,” pagbabahagi nito.




