Iba’t ibang paraan para matulungan ang mga biktima ng kalamidad
- BULGAR

- Nov 2, 2020
- 2 min read
ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | November 2, 2020

Kapag dumarating ang mga kalamidad, napakahirap na maunawaan sa gitna ng sakuna kung ano ang iyong magagawa para makatulong. Hindi madaling ibangon ang isang bansa, siyudad o lalawigan matapos na maapektuhan ng kalamidad.
Pero sa maliit na tulong ng bawat isa, ang misyon ay epektibong nakukumpleto.
Tingnan ang mga patalastas mula sa mga kilalang organisasyon na nangongolekta ng pondo o kumukuha ng volunteers para sa nakahandang tulong para malaman kung ano ang magagawa para makatulong.
1. Mag-donate ng pera o mga pagkain/ grocery items.
Mag-donate ng pera sa isang reputable organization na nag-aalok ng relief para sa biktima ng sakuna. Mag-ingat sa mga organisasyong bago o walang endorsement ng mga kilalang establisimyento at baka scam iyan. Puwedeng para sa Feed The Children ang programa. Dito maipagkakaloob ang pagkain at iba pang sapat na kagamitan para sa mga biktima ng kalamidad at sa mga volunteers na tumutulong sa mga biktima. Hanapin ang mga organisasyong handang tumulong para magbigay ng pagkain, tirahan, mga gamot at kasuotan.
2. Magboluntaryo.
Magboluntaryo para sa relief operation. Ang mga organisasyon sa buong bansa ay tumutulong sa mga biktima ng kalamidad. Hindi na kailangan ng malalaking grupo. Kahit ang simpleng proyekto sa barangay na nagtitipon ng pondo at inaabot ang tulong sa mga naapektuhang lugar. Humanap ng grupo sa lugar na may boluntaryong pagtulong tulad ng Red Cross.
3. Blood Drive
Simulan ang blood drive o donasyon ng dugo. Kontakin ang mga lokal na ospital o health center sa impormasyon kung paano makapagsisimula. Ang mga biktima mula sa mga sakuna ay madalas na nangangailangan ng dugo dahil sa injury o karamdaman. Kung hindi makapagsimula ng blood drive, mag-donate ng dugo sa isang establisadong event. Bago ka mag-donate ng dugo, dapat ka munang pumasa sa tests at masagot ang mga katanungan para matiyak kung wala kang sakit.
4. Fundraiser
Mag-establisa ng fundraising. Simulan ang magpa-raffle, magbenta ng tiket para makapagpanalo ng mga bagay tulad ng TV at iba pang items. Kung maaari, magsilbing donasyon ang raffle items para mas mapunta ang pera sa makabuluhang nangangailangan. Simulan ang pagkolekta ng donasyon para sa mga nasalanta ng kalamidad. Puwede ka ring magbenta ng anumang lumang kagamitan kung saan lahat ng kikitain ay mapunta sa disaster relief. I-donate ang pera mula sa
fundraiser sa isang mapagkakatiwalaang relief company para ang iyong pinagpaguran ay hindi manakaw o mawala ng sinuman.








Comments