Search
  • BULGAR

Iba't ibang paraan para i-prank ang sinumang magdiriwang ng birthday

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | April 25, 2021




Ngayong Linggo baka may magdaraos ng kaarawan at dahil Abril ngayon, huwag ninyo kalimutan ang slogan na April Fool's Day. Uso sa mga mahal sa buhay ang pampa-prank. Hindi lang practical jokes ang ginagawa ng marami kundi sa mga birthday's ay pinapauso na ito lalo na sa mga isinilang ngayong buwan ng Abril.


Kaya kapag Abril ang iyong kaarawan tiyak na pasok ka sa mga lolokohin ngayong April Fool’s Day.


Ang mga Amerikano ang nagpauso ng mga practical jokes at tricks na ito, pero dahil nakakatuwa eh nakiki-joke na rin ang mga Filipino. Kung nais gawan ng joke ang mga kaibigan, close family member sa kaarawan nila ngayon, heto ang mga magagandang ideya.



1.DEDMA SA HANDAAN.


At dahil ang April Fool's Day ay mga panahon na puno ng mga biro, paghandaan siya ng pekeng party. Puwede kang gumawa ng imbitasyon at dekorasyon sa isang party kunwari at imbitahin siya rito. Siyempre, pagpasok niya rito ay mag-isa lang siya, may handa ka nang cake, balloons at mga pagkain kunwari, pero may isang oras na siyang naghihintay ay wala pang nagpupunta sa hapag-kainan at walang pumapansin sa kanya kahit ang close friend ay hindi siya sinasagot o halos lahat iniisnab siya. Hayaan muna siyang mairita o maiyak at pagkaraan ay saka na siya dalhin sa kabilang lugar kung saan talagang naroon ang lahat ng mahal sa buhay.


2. PRAKTIKAL NA BIRO.


Bigyan ng iba’t ibang biro ang taong may kaarawan maging. Atasan ang loveones na mag-isip na ng kanilang mga practical jokes para sa magbe-birthday. Ang ilang jokes ay puwedeng nakakapikon para dagdag saya sa magbe-birthday.


3. SORPRESANG REGALO.


Punumpuno ng sorpresa ang April Fool's Day, ito ang pinakamainam na panahon na magkaroon ng sorpresang birthday party. Planuhin ang party tulad din ng normal na pagpaplano, maliban na lamang na hindi mo mababanggit sa birthday guy ang tungkol sa party, sikreto ika nga. Siyempre, sa bahay lang muna ang sorpresa o sa isang lugar na hindi matao. Dyaraaan, pagpasok niya sa pintuan, iyan ang tiyakin mo na magiging ultimate April Fool’s Day joke para sa iyong gustong biruin na mahal sa buhay.


4. FLOWERS NA MAY MGA PLASTIK NA GAGAMBA O IPIS.


Kung magbibiro ka sa isang magbe-birthday ngayong Abril, gamitin mo ang mga bagay na ayaw na ayaw niya. Tulad na lamang ng paglalagay ng maraming bulaklak at iba pang pastel na kulay at idekorasyon ito, samahan pa ng plastik na gagamba, ipis, bubuwit o bubuyog at iba pang ka-weirduhang bagay sa kanya.


Magandang pang-welcome ang mga bulaklak at kakaiba hindi ba, lalo na kung pangkaraniwan na lamang lagi ang selebrasyon ng kanyang kaarawan at gawing kakaiba naman para mas masaya at nakatutuwang selebrasyon.


5. PAGKAING PAMBIRO.


Ang agahan ay pinakamahalagang pagkain sa buong araw at walang pinakamagandang paraan para masimulan ang April Fool’s Day kaya ang isang burger o pandesal sa umaga ay pinatigas.

Wala kang ibang gagawin kundi dagdagan ng ilang patak ng food coloring ang gatas, depende sa gusto mong kulay na nakakadiri o nakakasuka.


Kung medyo hindi patok ang joke, mag-seve ng isang pekeng meatloaf sa umaga. Gumamit ng pira-pirasong chocolate rice cereal para magmukhang karne, magdagdag ng maliliit na piraso ng tuyong prutas para magmukhang sibuyas o kamatis. O kaya naman magpalaman ng bagoong sa pandesal na kunwari ay corned beef.

6. PAGDATING SA HAPUNAN.


Sa hapunan lang karaniwang nagsasalu-salo ang lahat o nagsasabay ng pagkain. Kunwari ay nilagang dahon kamote lang ang ulam at tuyo ang nakahain. Hayaan muna silang medyo mairita ng konti at saka mo na ilabas ang tunay na masasarap mong pagkain na inihanda.

7. IMPOSIBLENG KAININ NA PAGKAIN.


Kung sadya talagang maloko ka sa pagbibiro puwede kang gumawa ng cake na lobo na may lamang tubig. Imbitahan siya na aawitan ng Happy Birthday habang may maliit kandila sa ibabaw. Prestoo, pagkahiwa niya ng cake ay sasabog ito at kakalat ang tubig. Mainam ito gawin sa labas ng bahay o sa tabi ng pool. Sampol lang ang mga ito guys, kayo na ang bahalang mag-isip ng iba pang pang-joke na bday surprise para sa loveones.



0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.