Iba’t ibang pahiwatig ng panaginip sa bf na OFW at batingting
- BULGAR
- Jun 27, 2021
- 1 min read
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | June 27, 2021
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Olive ng Dagupan City.
Dear Maestra,
Isang mapagpala at mapayapang araw sa inyong lahat. Palagi akong nakasubaybay sa column n’yo. Araw-araw kasi akong nananaginip pero hindi ko naman alam ang kahulugan kaya naisipan kong sumangguni sa inyo. May karelasyon ako pero malayo siya sa akin at nagtatrabaho siya sa Dubai. Halos gabi-gabi ay napapanaginipan ko siya.
Madalas din akong managinip ng batingting o bells. Naiisip ko tuloy na baka gusto nang mag-propose ng marriage ang sweetheart kong nasa malayo. Pagbalik niya siguro rito sa Pilipinas, yayayain na niya akong magpakasal sa simbahan na tanging pinapangarap ko sa buhay.
Tama ba ang iniisip ko? Ano ang ipinahihiwatig ng panaginip ko?
Naghihintay,
Olive
Sa iyo, Olive,
Kung sa panaginip mo ay masaya ang mukha ng karelasyon mo at nakangiti siya, nagpapahiwatig ‘yan na tapat ang pag-ibig niya sa iyo. Tunay ka niyang mahal at handa siyang pakasalan ka.
Sa kabilang dako, kung siya naman ay malungkot, matamlay at parang maysakit, ibig sabihin ay salawahan siya. Hindi tapat ang pag-ibig sa iyo at walang balak na ihatid ka sa harap ng altar.
Tungkol naman sa batingting o bells na tinutukoy mo sa iyong panaginip, depende sa tunog ng bells ang ipinahihiwatig. Kung masaya at masigla ang tunog, nangangahulugan ‘yan na magiging masuwerte ka sa pag-aasawa at pagnenegosyo. Kung alarm bell naman, ibig sabihin ay pag-isipan mo munang mabuti ang iyong binabalak gawin bago kumilos o magpasya.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments