Iba’t ibang pahiwatig ng lampara
- BULGAR
- May 14, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | May 14, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Dondon ng Albay.
Dear Maestra,
Magandang araw, shout out sa inyo r’yan.
Palagi kong napapanaginipan ang iba't ibang uri ng lampara.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Dondon
Sa iyo, Dondon,
Magandang araw din sa iyo. Nawa’y lagi kang masaya, may magandang kalusugan at ligtas sa lahat ng uri ng kapahamakan.
Ang ibig sabihin ng panaginip mo tungkol sa lampara ay depende sa ilaw ng lampara at sa sitwasyon. Kung ang lampara ay dala mo at napakaliwanag ng ilaw nito, ‘yan ay nangangahulugan na magtatagumpay ka sa propesyong napili mo. Kung ang ilaw ay hindi gaanong maliwanag at aandap-andap, nagpapahiwatig ito ng kalungkutan. Kung ang ilaw naman ng lampara ay namatay nang tuluyan, ito ay nangangahulugang made-delay ang mga plano mo sa buhay at matagal pa bago mo maisakatuparan ang mga ito.
Samantala, kung nakakita ka ng maraming lampara sa panaginip mo at ito ay nagtataglay ng nakakasilaw na liwanag, ito ay nangangahulugan na may dadaluhan kang masayang pagtitipon o magarbong kasalan. Posible ring ikaw mismo ang ikakasal sa iyong napupusuan. Bonggang kasalan at maraming magiging bisita na napabibilang sa mataas na antas ng lipunan.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna



Comments