top of page

Iba’t ibang negosyo na magpapayaman sa mag-asawang Virgo at Sagittarius

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 2, 2023
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Numero | June 2, 2023


Dear Maestro,


Naisipan ko kumunsulta sa iyo, Maestro, upang itanong kung ano ang suwerteng negosyo para sa amin ng asawa ko. Actually, galing kaming ibang bansa at may kaunting naitabi.


December 16, 1982 ang birthday ko habang September 13, 1979 naman ang mister ko.

Umaasa,

Jane ng Liyang, Siniloan, Laguna

Dear Jane,


Base sa aklat ng Basic Astrology kung saan ikaw ay isang Sagittarius, ayon sa iyong Business Calendar, “suitable careers can be found in professions in which the wide-ranging intellect is used, such as teacher, lawyer, priest, philosopher, or writer; in work connected with animals, especially horses, dogs, birds, cats, and in all forms of sports and exploration, including space travel.”


Samantala, kung ang birth date mo ay 16 o 7 ang tatanungin, (naging 7 ang 16, dahil 1+6=7) Ayon sa aklat na Basic Numerology, “Puwede rin sa iyo ang negosyong may kaugnayan sa tubig.


Gayundin, ang produktong mula sa ilog at dagat. Ang mga kalakal na kulay berde, pula at dilaw ay maaari ring subukan.”


Ayon naman sa Business Calendar ng iyong mister na isinilang noong September 13, 1979 na isang tipikal na Virgo: “Suitable careers will be found in communications as teacher, lecturer or drama critic; in business, as secretary or civil servant, in health, as dietician, naturopath, or public health officer; in precision work, as analyst or statistician.”


Samantala, kung ang birth date niyang 13 o 4 ang tatanungin, (ang 13 ay 1+3=4) Base sa Basic Astrology, “Puwede rin sa mister mo ang lahat ng unique o kakaiba, ‘yun bang hindi pa naiisip ng ibang tao.”


Sino ba naman ang makakaisip na papatok sa kasalukuyan ang gadget? Samantala, noong ay iisa lang ang may telepono sa loob ng bahay, kapag may telepono ka sa inyo ay aakalain ng mga tao na mayaman ka.


Pero ngayon, halos lahat ng tao may telepono at cellphone na, kahit iyong mga katulong, bata sa kalye, at mga vendor ay may sarili-sariling cellphone na ngayon.


Sino rin ba ang nakaisip noon na magiging patok sa kasalukuyan ang nasabing mga gadgets? Kung ikaw ang unang nag-market o naging dealer ng mga kasangkapang nabanggit, siguro mayaman ka na ngayon.

Ganundin ang magpapayaman sa inyo. Dapat isipin ng mister mo ngayon ang mga bagay na papatok sa future. Kapag nakaisip kayo ng produktong wala pang nakakaisip, tiyak ang magaganap, uunlad at yayaman kayo ng bonggang-bongga.


Ayon sa inyong Kapalaran sa taong kasalukuyan hanggang sa susunod na taong 2024, tuluy-tuloy na aangat ang graph ng pag-unlad sa aspetong pang pinansyal, sa taong 2027 sa edad mong 45 pataas at 48 naman ang mister mo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page