top of page
Search
  • BULGAR

Iba’t ibang kahulugan ng uminom ng tubig na galing sa gripo

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | March 29, 2023



Analisahin natin ang panaginip ni David ng Pangasinan.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na may pinuntahan akong liblib na lugar, tapos naglalakad lang ako hanggang sa natinik ako, pero hindi ko pinansin. Bagkus, nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang nakaramdam ako ng pagkauhaw, tapos may gripo akong nakita kaya uminom agad ako.

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

David


Sa iyo, David,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na may pinuntahan kang liblib na lugar, naglakad ka lang, natinik ka sa daan ay dapat kang mag-ingat sa iyong pagpapasya at makakaranas ka ng kabiguan na magdudulot sa iyo ng kahirapan. Matatagalan bago mo makamit ang kaginhawahang inaasam-asam mo.


Samantala, ang nauhaw ka sa paglalakad, tapos uminom ka ng tubig sa gripo ay depende sa tubig na ininom mo. Kung ang ininom mong tubig ay malinis, ang ibig sabihin nito ay susuwertehin ka sa buhay. Makakatanggap ka ng malaking biyaya sa mga susunod na araw. Kung marumi naman ang tubig sa gripo, ito ay nagpapahiwatig na mamalasin ka at daranas ka muna ng katakot-takot na pagsubok bago marating ang tagumpay.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page