Iba’t ibang kahulugan ng tubig sa beach
- BULGAR
- Sep 12, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | September 12, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lourdes ng Cebu.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na yumaman umano ko bigla. Sa sobrang kaligayahan ko ay niyaya ko ang mga friends ko na mamasyal sa Boracay. Nag-swimming sila habang ako naman ay nanood ng mga rumaragasang tubig mula sa beach nang biglang may lumitaw na whale.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Lourdes
Sa iyo, Lourdes,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na bigla kang yumaman, ay ‘di kailanman mangyayari. Mananatili ka lang sa kasalukuyan mong kalagayan.
Ang niyaya mo mga friends mo sa Boracay, nag-swimming sila, ay depende kung masaya ba sila o hindi. Kung masaya sila habang nagsu-swimming, ang ibig sabihin nito ay magiging maligaya ang iyong lovelife. Kung hindi sila nag-e-enjoy habang lumalangoy, ito ay nangangahulugang kailangan nila ng tulong mo. Lalapitan ka nila upang humingi ng pabor.
Samantala, ang nanood ka ng alon mula sa beach ay depende kung malinaw o marumi ang tubig.
Kung malinaw, ito ay nangangahuluga ng kasaganaan at kaligayahan. Yayaman at liligaya ka na sa iyong buhay.
Kung marumi o malabo ang tubig, kalungkutan ang ipinahihiwatig nito. Ito rin ay nangangahulugan ng kamalasan, at magiging mailap ang dating ng suwerte sa iyo.
Ang biglang may lumitaw na whale sa beach habang pinanonood mo ang alon, ay sign na maglalakbay sa malayong lugar ang dyowa mo, magtatrabaho siya sa ibang bansa, at matatagalan pa bago siya makauwi.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments