top of page

Iba't ibang kahulugan ng taxi

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 6, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | July 6, 2023



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jimmy ng Makati.


Dear Maestra,


Shout out sa inyo r’yan sa Bulgar. Gusto kong magpaanalisa sa inyo dahil aliw na aliw akong basahin ang mga kahulugan ng panaginip na ipinapadala sa inyo.


Napanaginipan ko na nag-aabang ako ng taxi, ang tagal kong nag-antay, pero buti na lang ay may dumaan ding taxi, at agad naman akong sumakay.


Noong nakaraang gabi naman ay napanaginipan ko na ako mismo ang driver ng taxi na sinasakyan ko.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Jimmy


Sa iyo, Jimmy,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nag-aabang ka ng taxi sa harap ng bahay n’yo, matagal kang nag-antay ngunit buti na lang ay dumating din ito at agad ka namang sumakay, ay maglalakbay ka sa malayong lugar. Makakaranas ka ng mga sagabal habang ika’y naglalakbay.


Maraming hadlang at masyadong masalimuot ang paglalakbay mo. At maraming magiging conflict sa patutunguhan mo.


Samantala, ang ikaw mismo ang driver ng taxi na sinasakyan mo, ay nangangahulugang hahawak ka ng mataas na posisyon sa pinapasukan mo. Doon mo rin makikilala ang magiging kabiyak ng puso mo. Magiging masaya kayong dalawa at mauuwi sa kasalan ang relasyon n’yo.


Matapat na sumasainyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page