top of page
WINNER - BEA AT VINCENT, NAG-UNFOLLOW SA ISA'T ISA, FAKE NEWS_IG _jomar aviary TikTok

Iba’t ibang kahulugan ng susi

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 13, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | June 13, 2023



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jess ng Malabon.

Dear Maestra,


Ipinagkatiwala na sa akin ang susi sa pinagtatrabahuhan kong kumpanya, mula noon ay madalas na akong managinip tungkol sa mga susi.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Jess

Sa iyo, Jess,


Depende sa sitwasyon ang ibig sabihin ng panaginip mo. Kung sa marami kang hawak na susi ang ibig sabihin nito ay yayaman ka sa pagnenegosyo, at uunlad anumang negosyo ang iyong naisin.


Kung ikaw naman ay may hawak ng susi at binigay mo ito sa iba, ito ay senyales na posible kang ikasal sa iyong kasintahan ngayong taon.


Samantala, kung ikaw ay binigyan ng susi, ito ay nangangahulugang mabibiyayaan na kayo ng isang supling. At kung naiwala mo ang susi, ito ay babala na mabibigo ka.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page