Iba’t ibang kahulugan ng susi
- BULGAR
- Jan 11, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Enero 11, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Minerva ng Samar.
Dear Maestra,
Madalas akong managinip ng mga susi. Noong isang gabi ay napanaginipan ko na ang dami kong hawak na susi. Kagabi naman, napanaginipan ko na binigyan ko ng susi ‘yung dyowa ko, tapos binigyan din niya ko ng susi. Gayunman, nawala ko ‘yung susi na ibinigay niya sa akin.
Ano ang ipinahihiwatig ng mga panaginip ko?
Naghihintay,
Minerva
Sa iyo, Minerva,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na marami kang hawak na susi ay yayaman ka dahil sa bagong negosyo na binuksan mo. Patok ito sa publiko, kaya marami kang magiging suki. Ang binigyan mo ng susi ang dyowa mo ay nagpapahiwatig na matutuloy ang balak n’yong pagpapakasal. Habang ang binigyan ka rin niya ng susi ay nangangahulugan na magkakaanak kayo agad.
Samantala, ang naiwala mo ang susi na ibinigay sa iyo ng dyowa mo ay nangangahulugan ng pagkabigo sa iba mo pang mga pangarap sa buhay. Ibig sabihin, hindi lahat ng pinapangarap mo ay mapasasaiyo.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments