Iba’t ibang kahulugan ng sikat ng araw habang naliligo sa beach
- BULGAR
- Jul 1, 2021
- 1 min read
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | July 01, 2021
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Yolly ng Cabanatuan.
Dear Maestra,
Magandang araw sa inyo. Kumusta na kayo? Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan pati na ang mga mahal n’yo sa buhay. Gusto kong malaman kung ano ang kahulugan ng panaginip ko kagabi.
Nagsu-swimming ako sa beach at tanaw na tanaw ko ang sikat ng araw. Ano ang ipinahihiwatig nito?
Naghihintay,
Yolly
Sa iyo,Yolly,
Maraming salamat sa pagsangguni sa akin ng iyong panaginip.
Ang ibig sabihin ng nagsu-swimming ka sa beach ay depende kung nakataas o nakalubog ang ulo mo sa tubig. Kung nakataas ang ulo mo sa tubig, ito ay nagpapahiwatig na magtatagumpay ka sa anumang binabalak mo sa buhay— negosyo man, trabaho o iba pang bagay na gusto mong gawin.
Kung nakalubog naman ang ulo mo, may paparating na gulo, hindi kalayuan sa kinalalagyan mo.
‘Yun namang tanaw na tanaw mo ang araw habang nagsu-swimming ka, depende rin sa sikat ng araw. Kung maganda at maaliwalas ang sikat ng araw na iyong natanaw, tagumpay sa pananalapi at kaligayahan sa pag-ibig ang ipinahihiwatig nito. Kung ang araw ay bago palang sumisikat, may magandang balita kang matatanggap. Ngunit kung ito naman ay unti-unting natakpan ng ulap, nangangahulugan ito na may hindi magandang pagbabago na magaganap sa kasalukuyan mong pamumuhay.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna



Comments