Iba’t ibang kahulugan ng saranggola
- BULGAR
- Jun 29, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | June 29, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Raymond ng Parañaque.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na nagpapalipad ako ng saranggola sa bukid namin. Ano ang ibig sabihin nito?
Naghihintay,
Raymond
Sa iyo, Raymond,
Isa-isahin natin ang ibig sabihin ng saranggola, kung ito ay napakataas na halos maabot ang langit, ito ay nagpapahiwatig na mapo-promote ka sa pinapasukan mong trabaho.
Mapapasaiyo ang pinakamataas na posisyon, maaaring executive level ang maging posisyon mo.
Sa larangan ng pag-ibig, ito ay nangangahulugan ng paglalakbay na may kahalong pagnenegosyo. Makakapag-abroad at magnenegosyo ka ro’n. Magkakaroon ka rin ng lupang sinasaka na tinataniman ng mga gulay at punong kahoy.
Samantala, kung napatid ang tali ng saranggolang pinalilipad mo, ito ay babala ng kalungkutan at pagkabigo sa iyong pinapangarap.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments