top of page
Ralph Recto.jpg

Iba’t ibang kahulugan ng sapatos

  • BULGAR
  • Jan 15, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Enero 15, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni David ng Bulacan.


Dear Maestra,


Madalas akong managinip ng sapatos. Napanaginipan ko noong isang gabi na may bago akong sapatos. Kagabi naman, napanaginipan ko na ang pangit ng suot kong sapatos, kaya hinubad ko ito at naglakad ako nang nakapaa.


Ano ang ibig sabihin ng mga panaginip ko?


Naghihintay,

David


Sa iyo, David,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na may bago kang sapatos ay paglalakbay, kung saan maglalakbay ka sa malayong lugar. Ang pangit na sapatos naman ay nagpapahiwatig na hindi magiging maganda ang resulta ng paglalakbay mo dahil may mga sagabal kang mararanasan habang naglalakbay.


Samantala, ang hinubad mo ang iyong sapatos at naglakad nang nakapaa ay nangangahulugan na magiging komportable na ang buhay mo. Giginhawa ka na at hindi na daranas pa ng kahirapan sa buhay.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page