Iba’t ibang kahulugan ng nag-camping
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | May 9, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Gerry ng Mandaluyong.
Dear Maestra,
Magandang araw sa inyong lahat.
Madalas kong mapanaginipan na nag-camping kami ng mga kaibigan ko, tapos panay ang picture taking namin gamit ang camera ko.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Gerry
Sa iyo, Gerry,
Depende sa sitwasyon ang ibig sabihin ng panaginip mo na nag-camping kayo ng mga kaibigan mo. Kung sa panaginip mo ay masaya kayo ng mga kaibigan mo at enjoy na enjoy niyo ang bawat sandali, ibig sabihin ay hindi ka liligaya sa pag-ibig dahil palagi kang mabibigo sa napupusuan mo.
Samantala, kung sa araw ng camping niyo ay biglang umulan at hindi kayo nag-enjoy, kabaligtaran ang ibig sabihin nito dahil ito ay nagpapahiwatig na magiging maligaya ka sa buhay may asawa. Ang panay ang picture taking niyo gamit ang camera mo ay nangangahulugang mag-iiba ka ng pinapasukan. Pagbabago ng kapaligiran at hanapbuhay ang gusto mong ipatupad sa lalong madaling panahon.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments