top of page

Iba’t ibang kahulugan ng kalsada

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 31, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | August 31, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rolando ng Davao.

Dear Maestra,


Napanaginipan ko na sinubukan kong maglakad mula sa bahay namin hanggang sa kabayanan. Sa awa ng Diyos, hindi umano ako napagod, natuwa pa ako dahil na-exercise ko ang mga paa ko sa malayong lugar.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Rolando

Sa iyo, Rolando,


Kung ang nilakaran mong kalsada ay maganda at hindi baku-bako, ang ibig sabihin nito ay magtatagumpay ka sa iyong mga minimithi, tuluy-tuloy na ang iyong pag-unlad hanggang sa ikaw ay yumaman.


Samantala, kung baku-bako, at maruming kalsada ang iyong dinaanan, ito ay nagpapahiwatig na dadaan ka sa matinding pagsubok bago mo maabot ang iyong mga pangarap.


Ang hindi ka napagod sa paglalakad at natuwa ka pa dahil na-exercise mo ang iyong mga paa, ay senyales na anumang sagabal ang dumating sa iyong buhay, nakahanda kang harapin ito na may positibong pananaw.

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page