Iba’t ibang kahulugan ng isda
- BULGAR
- Jun 9, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | June 09, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Noemi ng Zambales.
Dear Maestra,
Isa akong tindera sa palengke. Ang aking tinitinda ay iba’t ibang uri ng isda, at madalas din akong managinip tungkol sa mga isda.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Noemi
Sa iyo, Noemi,
Depende sa sitwasyon ang kahulugan ng iyong panaginip. Kung nakakita ka ng mga isdang lumalangoy sa tubig ito ay nangangahulugang may mga oportunidad na paparating sa iyong negosyo.
Samantala, kung ang panaginip mo ay namimingwit ka ng isda ngunit wala kang nahuli, ay babala na mabibigo ka sa binabalak mong kabuhayan, ngunit kung may nahuli kang isda, ito ay pahiwatig ng kasaganaan at kaunlaran sa buhay.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments