top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Iba’t ibang kahulugan ng hitsura ni mister

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 28, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | August 28, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Flora ng Bulacan.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na inaayos ko umano ‘yung higaan namin ng husband ko, hindi pa ako tapos mag-ayos nang bigla siyang pumasok sa kuwarto. Nagulat ako at hindi nakakibo.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Flora


Sa iyo, Flora,


Ang kahulugan ng panaginip mo na inaayos mo ang higaan n’yo ng husband mo, ay lilipat ka na sa pinapasukan mong trabaho, dahil hindi mo na gusto ang kasalukuyang trabaho mo, bukod sa maliit ang suweldo, pagod ka na, hindi ka pa masaya sa mga katrabaho mo.


Samantala, ang biglang pumasok ang husband mo sa kuwarto kahit na ‘di ka pa tapos mag-ayos, ay depende sa hitsura ng mukha niya.


Kung nakangiti siya, ang ibig sabihin nito ay may itatapat siya sa iyo, mapagkakatiwalaan, maaasahan at higit sa lahat mahal ka niya.


Kung mukha siyang matamlay na para bang maysakit, sign ito na hindi ka niya mahal, at may iba siyang kinahuhumalingang babae.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page