Iba’t ibang kahulugan ng hawla
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | March 8, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Norman ng Cavite.
Dear Maestra,
Madalas akong managinip ng iba’t ibang klase ng hawla o ‘yung kulungan ng mga ibon.
Mahilig kasi ako sa mga ibon.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Norman
Sa iyo, Norman,
Depende sa hawla ang kahulugan ng panaginip mo. Kung may lamang ibon ang hawla, ito ay nangangahulugan na malapit ka nang magpakasal sa babaeng tinatangi mo. Kung walang laman ang hawla, ibig sabihin ay pagtataksilan ka ng mahal mo o papalitan ka niya ng iba.
Samantala, kung may nakita kang tao na pinakawalan ang ibon sa hawla, ito ay nagpapahiwatig ng nalalapit na kabiguan sa buhay. Maaaring makalipad ang mga pangarap mo at mauwi sa bula kung mawawalan ka agad ng pag-asa at panghihinaan ng loob.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments