top of page

Iba’t ibang kahulugan ng bulaklak

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 23, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | September 23, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lorry ng Bulacan


Dear Maestra,


Shout out sa inyong lahat. Sana nasa mabuti kayong kalagayan d’yan sa Bulgar.


Napanaginipan ko na namasyal ako sa garden namin, ang daming magandang bulaklak, at mayroon ding mga lanta na.


Nag-selfie ako, at pumitas ako ng isang magandang bulaklak, ang pinili kong bulaklak ay ‘yung bago at pinakamabango sa lahat.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Lorry


Sa iyo, Lorry,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na namasyal ka sa garden n’yo, maraming magandang bulaklak, pinitas mo ‘yung bago, ay magtatagumpay ka sa mga bagay na gusto mong gawin sa darating na mga araw. Matutupad mo na ang matagal mo nang pinapangarap.


Ang mga lantang bulaklak naman na nakita mo ay nagpapahiwatig na maaaring hindi matupad ang iyong mga pangarap kung hindi ka magiging positibo sa buhay. Huwag kang mag-isip ng negative, at lagi kang tumingin sa magandang bahagi ng buhay.


Samantala, ang nag-selfie ka sa garden n’yo, ay sign na lilipat ka sa trabahong mayroong mas mataas na suweldo.


Ang sabi mo, isa lang ang pinitas mong bulaklak, pinili mo lang ‘yung pinakamaganda, ito ay tanda ng singleness. Matatagpuan mo ang iyong sarili na nag-iisa. Pero, sasaya ka dahil mararamdaman mo ang pagpapala at mga biyaya ng Diyos sa iyong buhay na ibinabahagi mo rin naman sa iyong kapwa.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page