Iba’t ibang kahulugan ng basket
- BULGAR
- Aug 27, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | August 27, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni J.R ng Masbate.
Dear Maestra,
Gusto kong malaman ang kahulugan ng panaginip ko, madalas kong mapanaginipan na may dala akong basket, kung minsan naman ay namamalimos umano ako.
Pero, noong nakaraang gabi napanaginipan ko na ako mismo ‘yung nagbibigay sa mga pulubi, binigyan ko umano sila ng P200.
Ano ang ibig sabihin ng mga panaginip ko?
Naghihintay,
J.R.
Sa iyo, J.R,
Depende sa basket na dala mo ang kahulugan ng iyong panaginip. Kung ito ay may laman, ang ibig sabihin nito ay malalagpasan mo ang mga sagabal sa iyong buhay at makakamit mo rin ang iyong pinapangarap na tagumpay.
Kung wala namang laman ang basket, ito ay babala ng kabiguan, mabibigo ka sa mga pinaplano mo sa iyong buhay.
Samantala, kabaligtaran naman ang panaginip mo na isa ka sa mga nanlilimos, ito ay sign na kailanman ay hindi ka kakapusin sa iyong mga pangangailangan.
Ang ikaw mismo ang nagbigay sa pulubi, ay pahiwatig na may kaibigan kang nagbabalak na ika’y lokohin. Gayunman, hindi siya magtatagumpay sa masama niyang binabalak laban sa iyo, dahil matutunugan mo agad ang masama niyang plano.
Ang binigyan mo ng P200 ‘yung mga pulubi, ay nangangahulugan na pabagu-bago ang iyong desisyon. Oo, madali kang magpalit ng iyong pasya. Kaya kung ano ang nauna mong desisyon ‘yun na dapat ang iyong sundin dahil may gabay ka ng holy spirit sa una mong desisyon.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments