Iba’t ibang kahulugan ng bariles
- BULGAR
- Aug 22, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | August 22, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Robert ng Pampanga.
Dear Maestra,
Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan gayundin ang inyong pamilya. Napanaginipan ko na ang daming bariles dito sa likod ng aming bahay. May mga pagkain sa malaking table na nakaayos at nakalagay ang mga pagkain sa basin o palanggana na dapat ay nasa pinggan.
Maya-maya, sabay-sabay nang kumain ang mga tao at kasama na ako ro’n.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Robert
Sa iyo, Robert,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na ang daming bariles sa likod ng iyong bahay, ay depende kung may laman ang bariles o wala. Kung may laman ang bariles, ito ay nangangahulugang makakamit mo ang pinakamimithi mong pangarap sa buhay.
Magtatagumpay ka sa mga pinaplano mong gawin.
Kung walang laman ang bariles, ito naman ay babala na mabibigo ka iyong mga hangarin.
Samantala, ang ibig sabihin ng may mga pagkain sa table nakalagay ito sa basin o palanggana na dapat ay nasa pinggan, sabay-sabay kumain ang mga taong nando’n kasama ka, ay sign na maiinlab ka sa isang magandang babae na naro’n pero pansamantala lamang ito, dahil hindi magtatagal ang pag-ibig na nararamdaman niya sa iyo at lilipas din ito agad.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments