Iba’t ibang kahulugan ng aso
- BULGAR
- May 1, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | May 1, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jennifer ng Zambales.
Dear Maestra,
Shout out sa inyo.
Madalas akong managinip ng mga aso, mahilig kasi akong mag-alaga ng aso at parang tao na ang turing ko sa kanila.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Jennifer
Sa iyo, Jennifer,
Depende sa ginagawa ng aso ang kahulugan ng panaginip mo. Kung sa iyong panaginip ay tahol nang tahol ang aso, ito ay nangangahulugang malalagpasan mo ang mga pagsubok na darating sa iyo, gaanuman ito kabigat.
Kung ang aso naman ay friendly at kakawag-kawag ang buntot, ito ay nangangahulugang magiging maligaya ka sa mga araw na darating at mapapawi ang iyong kalungkutan dahil sa isang pangyayari na babago sa takbo ng buhay mo.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments