Iba’t ibang kahulugan ng apoy
- BULGAR
- Sep 18, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | September 18, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lito ng Dagupan.
Dear Maestra,
Magandang buhay sa inyo r’yan sa Bulgar. Humahanga ako sa pag-aanalisa n’yo ng mga panaginip na isinasangguni sa inyo.
Madalas kong mapanaginipan ang apoy, ano kaya ang ipinahihiwatig nito?
Naghihintay,
Lito
Sa iyo, Lito,
Hindi mo gaanong idinetalye ang mga panaginip mo tungkol sa apoy.
Gayunman, kung sa panaginip mo ay gumagawa ka ng apoy, sinindihan mo ang mga kuyagot at iba pang bagay para magkaroon ng apoy, ito ay nangangahulugang malapit ng dumating ang suwerte mo, paparating na ang magagandang bagay sa pintuan n’yo.
Kung ikaw naman ay nagpapainit ng iyong mga kamay sa kalan na may gatong, upang mabawasan ang nararamdaman mong lamig, ito ay nagpapahiwatig na makakakita ka ng magandang trabaho na may malaking suweldo at magiging masaya ka pa sa kapaligiran mo.
Samantala, kung sa panaginip mo ay nasusunog ang bahay mo, ito ay babala ng komplikadong sitwasyon. Hindi magkakatugma ang mga daranasin mong pangyayari.
Masalimuot at gugulo ang iyong isip. Maging kalmado sa lahat ng bagay, at huwag magpadalus-dalos.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna
Comments