Iba pang kahulugan ng marriage line
- BULGAR
- Jul 30, 2021
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | July 30 2021

KATANUNGAN
May boyfriend ako at tawagin na lang natin siyang Ram. Gusto kong malaman kung siya na ba ang makakatuluyan ko, kasi nakita ko sa aking mga palad na iisa lang ang aking Marriage Line. Ibig bang sabihin nito, kung sino ang unang boyfriend ay siya na ang aking makakatuluyan? Magsi-six months na kasi kami ngayon at may nangyari na sa amin.
Kung siya na ang makakatuluyan ko, nais ko ring malaman kung magiging maligaya at uunlad ba ang aming itatayong pamilya?
KASAGUTAN
Maling isipin na porke iisa ang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanang palad, ang ibig sabihin na nito ay ang unang boyfriend na ang makakatuluyan, sa dahilang iba ang lalagyan o salalayan ng guhit ng pag-aasawa (arrow a.), sa lalagyan o salalayan ng Guhit ng mga Pansamantalang Pakikipagrelasyon (Drawng A. at B. f-f arrow b. at c.). Ito ay makikita kung saan maninipis o maliliit na guhit mula sa ilalim ng hinlalaki, na tumagos o tumawid sa Life Line (L-L arrow d.) at Head Line (Drawing A. at b. H-H arrow e.) sa kaliwa at kanang palad at pagkatapos ay tuluyang nabura ang nasabing guhit pagdating sa gitnang bahagi ng palad (arrow f.).
Sa kaso mo, Bhea, dalawa ang Guhit ng Pansamantalang Pakikipagrelasyon (f-f arrow b. at c.) na tatawagin din nating Guhit ng Fling na Relasyon (f-f arrow b. at c.) sa kaliwa at kanan mong palad.
Ibig sabihin, kahit may boyfriend ka ngayon, hindi pa rin siya ang makakatuluyan o mapapangasawa mo dahil bago ka makapag-asawa, kailangan munang maranasan mo at matupad ang nasabing dalawang guhit ng pansamantalang pakikipagrelasyon. Pagkatapos ng dalawang pakikipagrelasyon, saka ka makapag-aasawa sa ikatlong lalaking darating sa iyong buhay, na kinumpirma ng birth date mong 21. Kung saan humigit-kumulang ang lalaking ito ang iyong mapapangasawa at makakasama habambuhay, na siya ring tinuturan ng kaisa-isang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.
MGA DAPAT GAWIN
Sa totoo lang, upang hindi magkamali sa pag-aanalisa ng kapalaran, hindi dapat panaligan lamang ang guhit sa mga palad. Bagkus, anuman ang nasa guhit ng palad, kailangang i-double check ito sa Astrology, birth date, destiny number, signature o sulat kamay at iba pang available na data. Sa ganu’ng paraan, ‘pag marami kang ikinumparang detalye o ebidensiya bago gumawa ng isang konklusyon, mas malamang na magiging katanggap-tanggap at tama ang isinagawa mong pag-aanalisa ng kapalaran.
Habang, ayon sa iyong mga datos, Bhea, tiyak ang magaganap, bukod sa kasalukuyan mong boyfriend ay may isa pang darating na lalaki sa iyong buhay. Pagkatapos ng dalawang lalaking ito, may pangatlo pang lalaki na inilaan sa iyo, na siyang mapapangasawa mo at makakasama sa pagbuo ng maunlad at maligayang pagpapamilya habambuhay.




Comments