Iba ang gusto… ALDEN, 28 NA, WALA PA RING BALAK MAG-ASAWA

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | November 12, 2020

Twenty-eight years old na si Alden Richards. Ilang taon na rin naman siyang kumakayod nang husto upang mabigyan ng magandang future ang kanyang pamilya. Nagpundar siya ng mga kabuhayan para sa kanyang mga mahal sa buhay. At malayu-layo na rin ang narating ng kanyang career.
Ang hinihintay at inaabangan ngayon ng kanyang mga fans and supporters ay ang pagkakaroon niya ng love life. Dapat na rin daw bigyan ng panahon ni Alden ang pagkakaroon ng inspirasyon, tutal ay natanggap na rin ng AlDub Nation na may Arjo Atayde na ang dati niyang ka-love team na si Maine Mendoza.
Pareho rin naman sila ni Yaya Dub na mabenta pa rin bilang product endorser. Kinukuha sila kahit solo-solo at hindi magkasama.
Financially stable na sa buhay si Alden Richards. Tatlo na ang branches ng kanyang Concha's Garden resto at may isa siyang franchise ng McDonald's. Kaya na niyang bumuhay ng sariling pamilya kung gugustuhin niya.
Pero mukhang hindi nga prayoridad ni Alden ang love life. Marami pa siyang pangarap sa buhay. Marami pa siyang goal na gustong makamit. At nag-e-enjoy pa siya sa kanyang buhay na single.





Comments