Huwag po kayong mag-alala, natuto na po ako — Shuvee
- BULGAR
- 1 day ago
- 1 min read
by Info @Showbiz | September 23, 2025

Photo: Shuvee Etrata / IG
Humingi ng tawad ang ‘Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition’ ex-housemate na si Shuvee Etrata matapos punahin ng mga fans sa pagiging supporter ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa isang lumang live video nito kasabay ng kabi-kabilang protesta laban sa korupsiyon sa bansa.
“Pasensya na po sa lahat ng na-disappoint at nasaktan ko,” ayon kay Shuvee.
Dagdag pa niya, “I understand that what I said in the past caused hurt to some and I take full responsibility for it.”
“Huwag po kayong mag-alala, natuto na po ako. Lalawakan ko pa po ang pag-iisip ko para sa ating lahat. I will continue to learn and grow,” saad pa ni Shuvee.