top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Huwag nang umasang magkaka-ginto ang mga Pinoy, fake news ang Tallano gold

BULGAR
May 31, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | May 31, 2022


MGA UMAASANG MAGKAKA-GINTO, FAKE NEWS LANG ANG TALLANO GOLD – Hanggang ngayon ay mainit na pinag-uusapan pa rin sa social media ang tungkol sa Tallano gold na ipapamigay daw ng pamilya Marcos kapag naging presidente si BBM (Bongbong Marcos), nagwagi na ang presidente pero wala pa ring nabibigyan ng ginto.


Para sa kaalaman ng publiko, wala katotohanan na mamimigay ng ginto si BBM kapag naging presidente siya, kuwentong-kutsero lang ng mga bloggers, tiktokers at youtubers sa social media ang tungkol sa ipamimigay na Tallano gold.


Ang nais nating ipunto sa isyung ito ay huwag nang umasa ang mga naghahangad na magkaka-ginto, kasi sa totoo lang na ngayong nagwagi siyang presidente, ay walang ipamimigay na ginto si BBM sa mga Pilipino, kasi ang isyu tungkol sa Tallano gold ay fake news, period!


◘◘◘


AIRPORT NG 'PINAS, PINAKAPANGIT TAPOS ANG MGA DDS BILIB NA BILIB KAY P-DUTERTE – Umuusok sa galit ang mga DDS (Duterte Diehard Supporters) sa ulat ng Bounce's Business Class Index na "worst airport" sa buong mundo ang NAIA (Ninoy Aquino International Airport).


May puntong magalit ang mga DDS, kasi bilib na bilib sila sa uri ng panunungkulan ni P-Duterte bilang presidente ng Pilipinas, tapos ibabalita ng Bounce's Business Class Index na worst o pinakapangit sa buong mundo ang paliparang NAIA, boom!


◘◘◘


IBINAON SA UTANG ANG 'PINAS, AT NGAYONG WALANG PAMBAYAD, NAIS NG DUTERTE GOV'T. IBENTA NG BBM GOV'T. ANG NAIA – Iminungkahi ni Sec. Carlos Dominguez ng Dept. of Finance sa paparating na BBM administration na ibenta na lang daw ang NAIA upang makatulong ang pagbebentahan nito sa pambayad utang-panlabas ng Pilipinas.


Hay naku, kung hindi sana ibinaon ni P-Duterte sa utang ang Pilipinas ay hindi darating sa punto na may magmumungkahing ibenta ang NAIA para makatulong sa pagbayad ng Marcos gov't. sa utang na iiwan ng Duterte gov't. tsk!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page