Huwag mag-panic, huwag mag-hoard ng tubig sa ‘super El Niño’

by BRO @News | October 1, 2026

Photo: FIle
Hinimok ng Malacañang ang publiko na huwag mag-panic at mag-imbak ng maraming bottled water dahil sa inaasahang epekto ng “super El Niño.”
Ayon kay PCO Undersecretary Claire Castro, walang ulat na magkakaroon ng kakulangan sa suplay ng inuming tubig kaya hindi kailangang mag-hoard.
Maaari umanong magdulot ng artipisyal na kakulangan at pagtaas ng presyo ang labis na pagbili ng tubig.
Sa halip, pinayuhan ang mga pamilya na magtipid sa tubig at agad ayusin ang mga tumutulong gripo o tubo sa bahay.
Ayon sa PAGASA, kasalukuyang malakas ang El Niño at inaasahang lalakas pa ito sa mga susunod na buwan. Posibleng magdulot ito ng mas kaunting ulan, dry spell at tagtuyot sa ilang bahagi ng bansa.
Sinabi naman ng Malacañang na naghahanda na ang gobyerno para sa posibleng epekto nito sa tubig, agrikultura at iba pang sektor.





Comments