top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Hurricane Laura, delubyong tumama sa Louisiana

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 27, 2020
  • 1 min read

ni Lolet Abania | August 27, 2020




Nag-landfall ang Hurricane Laura sa bahagi ng southwestern Louisiana, isa sa pinakamalakas na mga bagyo na tumama sa US state kaninang umaga, kung saan nagbabala ang mga forecasters na maaaring magdulot ng massive wall of water ng 40 miles sa lupa mula sa dagat.


Sa report, si Hurricane Laura ay nag-landfall bandang ala-1 ng umaga na nasa category na 4 storm, may dalang hangin na 150 mph (240 kph) sa bayan ng Cameron, Louisiana, ayon sa National Hurricane Center (NHC).


"The eyewall of Laura will continue to move inland across southwestern Louisiana during the next several hours," pahayag ng NHC bulletin. "TAKE COVER NOW!"


Dagdag ng bulletin, ang Lake Charles, Louisiana, ay nakitaan ng sustained winds ng 85 mph (137 kph) at gusts ng hanggang 128 mph (206 kph), sa panahon matapos ang landfall.


Ayon sa mga officials sa mga hard-hit na lugar matagal sila bago makalabas para simulan ang search at rescue missions. Mga nabuwal na puno ang nagkalat at humarang sa mga daan na sinagupa at naging malaking pahirap sa mga rescuers.


Sa Vermilion Parish, sa bahagi ng east kung saan tumama si Laura, maagang nagbabala ang sheriff sa mga residente bago pa dumating ang storm. "If you choose to stay and we can't get to you," ayon sa isang statement ng sheriff's Facebook page, "write your name, address, social security number and next of kin and put it a ziplock bag in your pocket."

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page