Huling-huli sa camera… JINKEE, DINEDMA ANG MGA SUMALUBONG SA KANILA NI PACQUIAO SA NAIA
- BULGAR

- Aug 9
- 3 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | August 9, 2025
Photo: Manny Pacquiao at Jinkee - IG
Pinag-uusapan sa socmed (social media) ang arrival ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao sa NAIA kamakailan.
Nag-stay pa nga sa USA ang mag-asawa immediately after ng draw result sa huling laban ni Pacman.
Siyempre nga naman, milyones na dolyar ang kinita nila roon kaya siyempre, isusubi muna ‘yun sa tamang lalagyan kumbaga.
Anyway, naging isyu nga ang tila pandededma raw ni Jinkee sa mga sumalubong sa kanila sa pangunguna ni Dyan Castillejo na may TV coverage pa.
Nakunan nga ng TV camera ang tila pandededma ni Jinkee sa taong sumalubong at nag-abot ng kamay sa asawa para bumati.
“Grabe, ha! Pero ‘yung reaksiyon n’ya na parang hindi masaya, very suplada ang aura,” komento ng netizen.
“Baka naman napagod lang sa biyahe,” depensa ng ilan.
Ani ng isang netizen, “Eh, bakit naman si Manny, super-ngiti at tawa pa at marespetong inabot pa ang kamay sa mga bumati? May dialogue pa nga ito kay Dyan, ‘Uy, may TV coverage pa talaga?’”
Hello, iba naman si Manny Pacquiao kay Jinkee, ‘noh! Hahahaha!
“HINDI mo talaga maaasahan na makakuha ng respeto kay Vice Ganda. He or she is her own boss at kapag hindi mag-align ang opinyon mo sa saloobin n’ya, basher ka n’ya.
“Ipagsisigawan pa niyang ‘demonyo ka’ o wala kang silbi sa mundo,” ito ang sigaw ng mga defenders ng Villar family.
Sa isang parte raw kasi ng It’s Showtime (IS) kamakailan ay ginawa nga raw ‘subject’ ng humiliation ang isyu sa mga Villar, lalo na ang usapin sa tubig na isa sa mga negosyo ng naturang pamilya.
“We understand the woes of those that are affected by the operation of the said business. Ginagawan naman ng paraan na ma-address at nasa tamang mga ahensiya na dahil hindi lang naman ang pamilya Villar ang dapat na managot sa mga palpak na serbisyo.
“Pero ‘yung i-ridicule mo pa on national TV at pagtawanan pa ng mga kasamahan n’ya ay napaghahalata ang malice. Sana ay magkaroon na lang s’ya ng ibang show kung ang hilig-hilig n’yang kumuda sa mga isyu ng bayan. A big part of their variety show is for entertainment at hindi isang public service program. Puwede naman s’yang kumuda o mamintas pero dapat i-present niya ang both sides.
“Nagmamagaling s’yang matalino at maraming alam sa isyu ng bayan pero ‘yung style n’ya ng pagbibigay ng opinyon ay masyadong bastos na nagtatago sa ngalan ng komedya. Walang respeto. Remember, ‘yung online sugal na ine-endorse n’ya ay pinagkaperahan din niya, so nasaan ang pagiging righteous niya?” ang litanya pa ng mga nagtatanggol sa pamilyang Villar.
Sa naturang IS portion nga kung saan may trivia question sila sa mga kalahok, ang simpleng salitang ‘BILYAR’ ay pinaglaruan nga at iniugnay na sa mga Villar sa Senado at mga Villar na may negosyo sa tubig na inirereklamo nga ng mga consumers at subscribers nito.
“At ‘yung mga co-hosts n’yang maririnig mong malisyosong tumatawa sa kuda n’ya ay nakakapikon ding makita. Para namang hindi nila pinagkakitaan at one point sa mga raket o shows nila ang pamilya Villar,” hirit pa ng mga defenders.
Aguy, sinu-sino kaya ang mga ‘yun?
Pamilya Villar, pinaglaruan sa It's Showtime…
VICE, FEELING MATALINO AT LAGING NASA TAMA, PINAGKAKITAAN NAMAN ANG SUGAL
MEANWHILE, may mga nakausap din naman kaming nagsasabi na ganu’n talaga ang istilo ni Vice Ganda.
“You either love him or hate her,” sey nila.
May payo pa ngang hindi raw talaga para sa mga madaling mapikon o mainis ang style ni Vice.
Naturalesa rin daw ni Meme Vice ang magpasimula ng isyu in guise of comedy and humor, pero kapag sa kanya na ibinabalik o ibinabato ang isyu, nagngangalit na nga ito.
Bongga nga ang ginawang analogy ng isang kilalang ehekutibo na nakausap namin na nagsasabing dapat daw kay Vice, kung totoong matapang at matalino ay magkaroon ng isang public service o political show dahil valid naman daw ang mga observation nito sa mga isyu ng bayan. ‘Yung mga pitik niya, totoo naman. ‘Yung delivery nga lang talaga niya ay pang-political show, hindi pang-entertainment.
Inihalimbawa nga ito ng naturang executive sa isang ‘baboy sa kural’.
Pag-analisa nito, “Ang usapin sa pulitika at negosyo ay babuyan talaga. Kung ayaw mong maputikan, ‘wag na ‘wag kang makipagrambulan at makipagkulapulan ng putik at dumi. “Gustung-gusto ‘yun ng baboy dahil ‘yun ang tirahan n’ya at mga tira-tira ang kinakain n’ya.
‘Yun ang mundo n’ya at literal na, ‘Bwak, bwak, bwak,’ ang lagi n’yang isinisigaw.”
Ay, grabeng aguy, uy!!!










Comments