Huli sa aktong pambabastos ni Cong. Remulla sa Pambansang Awit, sa Dos isinisisi, ngek!
- BULGAR

- Jul 4, 2020
- 2 min read
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | July 4, 2020
GARAPAL NA PAMEMERSONAL NI CONG. REMULLA SA ABS-CBN—Garapalan na ang pamemersonal ni Cavite Rep. Jesus Crispin “Boying” Remulla sa ABS-CBN.
Nang kumalat sa social media ang pandededma ng kongresista sa Pambansang Awit ay ABS-CBN lang ang sinisi niya, gayung halos lahat ng mainstream media (TV, radyo at diyaryo) ay ibinalita at ipinost sa social media ang kawalan ng respeto niya, na habang inaawit ang Lupang Hinirang ay busy siya sa pagte-take note ng mga ibabanat niya sa Kapamilya network, boom!
◘◘◘
DAPAT LANG MAKITA NG SAMBAYANAN NA MAY PULITIKO NA WALANG RESPETO SA PAMBANSANG AWIT—Kung sakali na ABS-CBN lang ang naglabas ng news at nagpakalat sa social media nang kabastusang ipinakita ni Cong. Remulla nang dedmahin ang Pambansang Awit ay tama lang ang ginawa ng Kapamilya network.
Hindi maituturing na resbak sa kongresista ang ginawa ng ABS-CBN, kundi tungkulin talaga ito ng mamamahayag na ipakita at ibalita sa sambayanan na may isang pulitiko na walang respeto sa Pambansang Awit na Lupang Hinirang, period!
◘◘◘
IMBES NA TULUNGAN, PINALALABAS PA NI BELLO NA SUGAPA SA ALAK ANG MGA OFWs—Sabi ni Sec. Silvestre Bello III ng DOLE (Dept. of Labor and Employment), na kaya lang nagbebenta ng dugo sa Middle East ang mga OFWs ay para may maipambili ng alak.
Ibang klaseng DOLE secretary si Bello, imbes na tulungan ang mga OFWs na nawalan ng work sa ibang bansa na naoobligang magbenta ng dugo para may maipambili ng pagkain, tila pinalalabas pa niyang mga sugapa sa alak ang mga ito. Buwisit!
◘◘◘
KUNG WALANG SASABIHING MAGANDA, DAPAT ITIKOM NA LANG NI BELLO ANG KANYANG BUNGANGA—Sa totoo lang, kaya ipino-post sa social media ng mga kababayan nating OFWs ang pagbebenta nila ng dugo, maging ang paghahanap ng makakain sa mga basurahan ay para ipakita sa gobyerno ng Pilipinas ang hirap na dinaranas nila sa ibang bansa, tapos sa kabila ng kahirapan ng kanilang kalagayan, imbes na tulungan ay pinalalabas pa silang masama ng DOLE secretary.
Sana, kung wala rin lang sasabihing maganda, itikom na lang ni Bello ang kanyang bunganga, period!





Comments